Nagbukas ang Amnesty International Philippines at Mountain Beacon ng panawagan para sa mga tulang maaaring ipagkaloob bilang donasyon sa proyektong “Ang Pananagutan Ay Katarungan” o APAK, upang mangalap ng pondo para sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial executions o EJE.
May mga nagpadala mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa. Sa simpleng detalyeng iyon ay naging malinaw na ang tokhang ay hindi na lamang isang pambansang sugat o trahedya. Isa na rin itong pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, at ang panitikan ay isa sa mga wikang ginagamit upang maipahayag ang sama-samang budhi laban sa karahasan.
Maraming salamat sa mga sumusunod na lingkod ng sining na nagbahagi ng kanilang akda.