“Rio Alma”
Si Virgilio Almario ay ipinahayag na National Artist o Pambansang Alagad ng Sining noong 2003. Bukod sa isang tinitingalang makata at kritiko, isa rin siyáng iginagálang na guro sa wika, panitikan, at kasaysayan, at isang lider sa gawaing pangkultura. Kabilang sa kaniyang mga aklat ng tula ang Makinasyon (1967) , Doktrinang Anakpawis (1979), Palipad-Hangin (1985), (A)lamat at (H)istorya (1985), Retrato at Rekwerdo (1984), Muli, sa Kandungan ng Lupa (1994), Sonetos Postumos (2006), Huling Hudhud (2009), Kuwarentena (2020), Lemlunay (2023), Kanta Kay Josefina (2024), Ay! Ang Kabihasnan (2025), at Kinutsaritang Liwanag (2026).

