Genevieve Aguinaldo

Ina ng apat na anak si Genevieve S. Aguinaldo. Nagtapos siya ng BA Communication Arts sa UP Los Baños at Diploma in Language and Literacy Education sa UP Open University. Nailathala ang kanyang mga akda sa Literary Tuesday ng Mountain Beacon, Dx Machina, Luntian Journal, Takós Journal, Femku, Haiku in Action, haikuNetra,at iba pa. Kasapi siya sa Ugnayan ng Pahinungód UPOU kung saan siya nakikibahagi bilang storyteller sa mga bata. 

Nabuo ang mga akda matapos mapanuod ang interbyu ng isang may-bahay tungkol sa asawang napabilang sa mga “nanlaban”. May halong pangungumbinsi ang galit sa kanyang mga mata na waring sinasabing: may dilim man na kalakip ang kanilang pagsasama,  hindi naging makatao ang ginawa sa asawa niya.