
“Andoy”
Si Andoy, ay kasulukuyang guro sa STI Rosario, Cavite. Nagkamuwang sa bayan ng Baao, Camarines Sur. Ang bayan kung saan tanaw ang kabi-kabilang bundok ng Camarines Sur; Isarog, Asog at Mayon.
Naging fellow ng Batch Habol sa Palihang LIRA 2023. Ang kanyang akdang “RELOS” ay nailathala na sa Ikawalong Isyu ng Luntian: Online Journal para sa Malikhaing Akda. Nagkamit ng karangalang banggit sa Ikatlong Gawad Lazaro Francisco at finalist naman sa Maningning Miclat 2025.
Paano nga ba pinapatahan ang takot sa panahon ng ligalig, ito madalas ang sinusubukan ikutan aking mga tula, at lagi, umiikot ang lahat sa danas ng bata. Sa tulang Atis, pinagtatagpo ang kalinga at ligalig. Ang bata bilang tagatanggap dapat ng kalinga at s’ya ring unang tumatanggap ng dahas.

