Ilang Tala Tungkol sa mga Kontribyutor

Nagbukas ang Amnesty International Philippines at Mountain Beacon ng panawagan para sa mga tulang maaaring ipagkaloob bilang donasyon sa proyektong “Ang Pananagutan Ay Katarungan” o APAK, upang mangalap ng pondo para sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial executions o EJE.

May mga nagpadala mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa. Sa simpleng detalyeng iyon ay naging malinaw na ang tokhang ay hindi na lamang isang pambansang sugat o trahedya. Isa na rin itong pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, at ang panitikan ay isa sa mga wikang ginagamit upang maipahayag ang sama-samang budhi laban sa karahasan.

Maraming salamat sa mga sumusunod na lingkod ng sining na nagbahagi ng kanilang akda.

D E F
Dalumay, Edrhean Josh
Dancel, Godfrey
Ebuenga, Noel Jestoni
Espela, Teddy
Frufonga, Kimberly Rose Pillo
G H I
Gamis, Emir
Gatchalian, Elmer
Hulipas, Aris
Igloria, Luisa
J K L
Lamajar, Alex
Lazaro, Lea
Libiran, Jim Diamond
Lolarga, Babeth 
M N O
Michael R. Gallego
Monteseña, Francisco
Nacino, Eugene Geibrielle 
Nesperos, Daniel
Novicio, Homer
P Q R
Padilla, Stephen Norries
Pagaling, April
Penones, Higino Francisco, Jr.
Pentero, Aldrin
Peradilla, CJ
Popa, Allan
Rafal, Mark Joseph
Raras, Jaime
Remollino, Carlo Aristotle
S T U
Sales, Glen
Salvador, Rai
Samar, Edgar
Samson, Romel
Santiago, Gabrielle Louis Paolo 
Santos
Soro, Jovener
Suarez, Angelo
Tabula, Joey
Taguilaso, Alyza
Tino, John Brixter
Toledo, Joel
Tolentino Glenn Ford
V W X
Villasis, Enrique
Williams, Myfanwy

Walang Pahimakas

Marami-rami na ring aklat at antolohiya ang naisulat tungkol sa tokhang. Kabilang dito ang Tokhang Nation ni Arvin Mangohig, How to Make a Salagubang Helicopter and Other Poems ni Jim Pascual Agustin, Manhid zine ni Aris Remollino, Moonlight ni Aldrin Pentero, Tokhang, Tok-Hague ng LIRA, Paghilom na pinamatnugutan ni Mark Angeles, at iba pang mga kalipunang nagsikap harapin ang isa sa mga pinakamadilim na yugto ng makabagong kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi ng tradisyong ito ang Walang Pahimakas. Hindi upang ulitin ang mga nauna nang naisulat, kundi upang makisangkot sa patuloy na pag-uusap ng panitikan tungkol sa karapatang pantao, pananagutan, at katarungan.