Ang Pananagutan Ay Katarungan

Ang proyektong “Ang Pananagutan Ay Katarungan” o APAK ay sumisimbolo sa pag-yapak papalayo mula sa disimpormasyon ukol sa mandato ng International Criminal Court (ICC).
Ang mga bigtas na tsinelas ay siya naming nagsisilbing ala-ala ng mga biktima ng polisiya ng “war on drugs” ni dating Pangulong Duterte na patuloy na itinataguyod ni Pangulong Marcos, Jr., ipinapakita din nito ang kalayagan ng depektibong sistema ng hustisya sa Pilipinas.
Nagbibigay din ng mga naratibo tungkol sa pananagutan ng bansang Pilipinas sa ICC, at ang papel na ginampanan ng administrasyong Duterte sa pagpapatupad ng polisiya ng pagpatay kung saan kalakhan ay mahihirap na mga Pilipino ang nagdusa.
Ilalahad ang mga hakbangin patungo sa pagkamit ng katarungan para sa mga naiwang pamilya ng mga biktima ng “war on drugs”.

Pantay-pantay ang bawat tao sa harap ng batas.

Makakamtan lamang ang tunay na katarungan para sa lahat ng biktima ng krimen sa pamamagitan ng pag-resolba ng kriminalidad na ayon sa tamang proseso ng pag-aresto at pagtitiyak ng patas na paglilitis. Ang lahat ng uri ng krimen ay dapat na dumaan sa prosesong ito. At kung mapatunayan sa korte na nagkasala ang sinumang akusado, kailangan silang managot ayon sa itinakda ng batas.

Taliwas sa mga prinsipyong ito ang polisiyang “war on drugs” ni dating Pangulong Duterte. Gayunpaman, kinikilala pa rin ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang karapatan sa patas na paglilitis. Bagama’t ang mga naging biktima ng kanyang polisya ng pagpatay, ni hindi nga umabot sa prisinto.

Mga Haka-haka tungkol sa ICC

Myth #1: Wala nang jurisdiction ang ICC sa PIlipinas.

Fact: May jurisdiction pa rin ang ICC sa mga kasong nangyari habang member pa ang Pilipinas, mula 2011 hanggang 2019. SInabi na rin ito mismo ng ating Korte Suprema noon pang 2021.

Myth #2: Gawa-gawa lang ng mga kalaban ni Duterte at pinopolitika lang ang isyu sa “war on drugs”.

Fact: Independent ang ICC. Hindi ito kontrolado ng anumang bansa o politiko. Higit pa rito, hindi gawa-gawa lang ang mga alegasyon ng pagpatay at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng “war on drugs”. Pinatototohanan ang mga ito ng marami at malawakang mga ulat – kabilang na ang pananaliksik ng Amnesty International. 

Myth #3: Anti-Pinoy ang ICC.

Fact: Layunin ng ICC na protektahan ang karapatang pantao ng lahat. Sa katunayan, sa pamamagitan ng proseso ng ICC, kinikilala nito hindi lang ang karapatan ng mga Pilipinong biktima ng “war on drugs” at ng kanilang mga pamilya, kundi maging ang karapatan sa fair trial at due process ng mga akusado, gaya ni Duterte.

Myth #4: Ginagawa naman ni Duterte ang tama para sa Pilipinas, mataas na ang krimen dahil sa mga adik.

Fact: Anuman ang layunin ng naging polisiya ni Duterte, obligasyon pa rin ng kanyang administrasyon na igalang, protektahan, at isakatuparan ang mga karapatang pantao ng mga Pilipino, at hindi lumabag sa batas. Ang pagsunod sa batas at pagtitiyak ng due process at fair trial – hindi ang tahasang pagpatay sa mga akusado, na isa ring krimen – ang pinakamabisa pa ring tugon sa kriminalidad.

Myth #5: Matagal na ‘yang “war on drugs”, move on na.

Fact: Mahirap mag-move on ang mga biktima hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang kanilang mga mahal sa buhay. Kahit ang mismong batas natin sa Pilipinas, sinasabing maaari pa ring litisin ang sinumang inakusahan ng seryosong krimeng gaya ng pagpatay, kahit pa gaano katagal nang nangyari ang krimen. 

Myth #6: Madami ding binibiktima ang mga adik, sino ang magbibigay ng hustisya sa kanila?

Fact: Ang totoong hustisya ay nakakamtam sa pamamagitan ng pagsunod sa due process mula pagpapatupad ng batas hanggang sa paglilitis ng kaso, hind sa pamamagitan ng extrajudicial executions na isa ring krimen. Ang lahat ng biktima ng krimen ay may karapatang makamit ang hustisya. May umiiral na mga batas sa Pilipinas, gaya ng ating Revised Penal Code, para tiyakin din ang katarungan para sa mga biktima ng krimen kahit pa sino ang inaakusahang nagsagawa ng krimeng ito. 

Buhay at pamilya ang sinira ng Tokhang.

Basahin ang salaysay ni maria

asawa ng isang biktima ng “war on drugs”