Dennis Andrew Aguinaldo

Nagtuturo ng sining at panitikan si Dennis Andrew S. Aguinaldo para sa Departamento ng Humanidades, CAS, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Naisaaklat ang kaniyang mga kuwento at tula—sa Shift of Eyes, Bukod sa maliliit na hayop, Alamat ng Sepia, at The Second Law. Naging bahagi ang kanyang mga rubbercut print ng ilang group exhibit, kamakailan ang PASALUBONG (Sep-Okt 2025) at ang Sa Piling ni Makiling (Peb-Marso 2026). Kanyang kinagigiliwan nang husto ang sining ng asawa at mga anak.

Kalakip ng lehitimisasyon ng Tokhang sa di-makatarungang pamamaslang ang kultura ng sistematikong paninirang-puri, pambabaluktot ng mga ulat, at pambubuyo ng mga kababayan. Sa ganitong masamang hangin, nagpupumilit huminga ng kasalukuyang mga tula.