Kasabay ng pambansang halalan noong May 2022, tinatanong ng Amnesty International Philippines ang bawat kandidato pati na ang Pangulong Bongbong Marcos, Jr. , “Sagot Mo Ba Ako?”
Sa ikalawang taon ng panunungkulan ni BBM, may pagbabago ba? Sinagot nga ba nya ang kapakanan ng mga Pilipino?
Hiningi ng Amnesty International Philippines ang Human Rights Action Plan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. — hindi lamang ang kanyang katayuan sa mga isyu, kundi mga konkretong plano, programa at aksyon na nakikita niyang sagot sa mga problema sa karapatang pantaong hinaharap ng mamayang Pilipino.
Ang pagkakaron ng tapat at maayos na pagkakaintindi sa karapatang pantao, at sariling initiative na bumuo ng planong sumasagot sa iba’t ibang human rights issues ay paunang tanda lamang ng tunay na pagkilala ng pangulo sa kanyang responsibilidad sa taumbayan.
Nilipon ng Amnesty International Philippines ang mga tinitindigang isyu tungkol sa karapatang pantao ni Pangulong Marcos, Jr. noong nakaraang halalan, narito ang ilan na maaring ikumpara sa kanyang mga naging prayoridad sa pagpapalakad sa bansa nitong nakaraang dalawang taon sa panunungkulan.
Nagpadala ang Amnesty International Philippines ng isang open letter sa lahat ng kumakandidato bilang pangulo, pangalawang pangulo at senador noong 2022. Nilalaman ng sulat ang isang paalala, panghihikayat, at hamon na isama ang karapatang pantao sa mga plataporma at action plan ng mga kumakandidato. Nagsisilbi itong tanda ng pagtataya nila bilang mga lingkod-bayan sa kanilang pananagutan sa karapatang pantao.
Hiningi ang malinaw na tugon patungkol sa mga sumusunod na usapin, at patuloy itong binabantayan hanggang sa kasalukuyang administrayon sa ilalim ni Pangulong Marcos, Jr.: