#Pride2020: Sulong, Wag Patinag!

Amnesty International Philippines

Pride 2020 Statement

Ang diskriminasyon at karahasan batay sa kasarian na nararanasan ng mga LGBTQ+ ay mas lumala ngayong panahon ng pandemya. Nararapat lamang na tiyakin ng gobyerno na sila’y nabibigyan ng pantay na serbisyong pangkalusugan laban sa COVID-19.

Pambihira ang stigma na kanilang nararanasan sa ordinaryong panahon pagdating sa pag-access ng mga batayang serbisyo, kung hindi babantayan ang kanilang kalagayan ngayon, mas malala ang kanilang kakaharapin upang maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa partikular na pang-aabuso batay sa kanilang kasarian.

Ang Amnesty International ay mayroong mga rekomendasyon upang mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga LGBTQ+ ngayong panahon ng pandemya:

– Kailangang may mga probisyon sa batas para maprotektahan ang mga LGBTQ+ na humaharap sa pang-aabuso sa loob ng tahanan habang may community quarantine.

– Dapat tiyakin ng gobyerno na may mapupuntahang lugar na magkukupkop sa LGBTQ+ na humaharap sa pang-aabuso sa tahanan upang malayo sila sa tuluyang kapahamakan sakaling naisin nila na umalis sa kanilang tinutuluyan.

– Kailangang tiyakin ng gobyerno na may access sa pagkain, tulong pang-ekonomiya at relief ang mga LGBTQ+ na humaharap sa matinding paghihirap na dulot ng epekto ng pandemya.

– Tiyakin na ang mga quarantine protocols ay may pagkilala at sensitibo sa realidad ng mga transgender at gender-non-conforming people, kailangang igalang ng kapulisan at barangay ang kanilang karapatan na ayon sa kanilang piniling kasarian.

– Nararapat lamang na hindi makaranas ng diskriminasyon ang mga LGBTQ+ mula sa awtoridad na nagpapatupad ng mga quarantine protocols.

– Kailangang tiyakin ang pakikipagugnayan ng gobyerno sa mga grupo ng LGBTQ+ upang maayos na maipatupad ang pag-responde sa pangagailangan nila sa panahon ng COVID-19.

Ang dignidad ay walang kasarian, pantay na karapatan para sa lahat!

#MagkalayoNgunitHindiMagkahiwalay

online action

Pass the Comprehensive Anti – Discrimination Bill

Sign the petiton