
Si Ronald Araña Atilano ay isinilang sa Metro Manila, lumaki sa Dasmariñas, Cavite at kasalukuyang naninirahan sa Newcastle, Australia. Nalathala ang kaniyang mga tula sa Likhaan, Entrada, Agos, Santelmo, Manila Times, Dagmay at Liwayway. Noong 2025, nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca ang kanyang mga tula, at ng Premyong Victorio Valledor sa National Book Awards para sa kaniyang unang aklat, ang Landas sa Ilang.

