
Si Harold Fiesta ay isang Ilokano at tubong Santa Ignacia, Tarlac. Kinilala na ang kaniyang mga tula sa Gawad Bienvenido Lumbera at Saranggola Awards. Naging Tula Fellow siya sa Ikalawang Palihang Rogelio Sikat noong 2009. Nakasulat at nakapaglathala rin siya sa Liwayway, Santelmo Magazine, TLDTD.ORG, at ilang literary folio. Inilunsad ng Vibal Foundation ang kaniyang unang aklat ng tula, Panunumbalik sa Gomorrah, sa Philippine Book Festival noong Marso 16, 2025. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa BPO.

