ANG BOTO MO AY ISANG LONG-TERM COMMITMENT PARA SA SARILI, SA KAPWA, AT SA BAYAN. KUNG DI NILA TAYO SAGOT, SAGUTIN NATIN ANG ISA’T ISA.

Bilang isang organisasyon na nagsusulong ng karapatang pantao para sa lahat saanman at sa anumang pagkakataon, ang Amnesty International Philippines ay kumikilos ngayong eleksyon upang magbigay-diin sa kakayanan ng bawat indibidwal na magsulong ng mga pagbabago mula sa kanyang sarili patungo sa pagbabago ng lipunan batay sa karapatang pantao.
Ngayong eleksyon, mahalangang maipagtibay ang kaugnayan ng karanasan ng bawat indibidwal sa pagtamasa niya ng mga karapatang dapat ay pinapangalagaan ng pamahalaan. Ang patuloy na pangangalaga ng mga karapatang pantao ay nakasalalay sa masusing pagtingin ng isang indibidwal sa mga platapormang inilalatag ng mga kandidato. Magandang alamin kung ang mga ito ay may pagpapahalaga sa sa kapakanan natin bilang mga Pilipino.
Ang ‘Sagot Mo Ba Ako? Project’ ng Amnesty International Philippines ay naglalayong bigyang puwang at halaga ang mga usapin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng karaniwang mamamayan bilang mga lehitimong karanasan na tumatalakay sa mga karapatang pantao na siyang dapat na binibigyang prayoridad ng mga maluluklok sa pwesto.
Gayunpaman, kinikilala din ng SMBA na mula sa mga personal na karanasang ito, hinihirang ng mga Pilipino ang lider na hindi lamang maghahatid sa kanya ng mas maayos na pamumuhay ngunit magbibigay din sa bansa ng mas malawak na oportunidad upang mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino sa lahat ng aspeto sa lipunang ginagalawan nito, ng walang bahid ng korapsyon, kasinungalingan o kabalintunaan.
Ang ‘Sagot Mo Ba Ako?’ ay tungkol sa mga lehitimong karanasan na tumatalakay sa mga karapatang pantao na siyang dapat na binibigyang prayoridad ng mga maluluklok sa pwesto.



Sagot Mo Ba Ako: Human Rights in the 2025 Mid-Term Election
Madalas hindi nabibigyang pansin ang Mid-Term Elections kung ilalaban sa mga maingay na debate at bonggang kampanya ng Pambansang Halalan. Kadalasang iniisip ng mga botante na ang halalan ng Pangulo ang pinakamahalagang pasimula sa pagbabago. Ngunit habang ang tungkulin ng executive ay napakalawak at ang political will ng Pangulo ay mahalaga, gayundin ang kapangyarihan na nasa paglikha ng mga batas at pagtiyak na ang mga ito ay makatarungang ipinatutupad. Sa mid-term elections, hindi lang tayo pumipili ng mga bagong senador at kinatawan ng distrito, pinipili natin kung kaninong boses ang magsasalita para sa atin, at kung kaninong mga interes at pangangailangan ang kinakatawan sa mga batas na humuhubog sa ating kultura at mga halaga bilang isang lipunan.
Ngayong 2025 Mid-Term Elections, binabalik ng Amnesty International Philippines and Sagot Mo Ba Ako nang nakatuon sa party-list system. Ang Party-list System ay ginagarantiya na garantiya na 20% ng uupo sa House of Representatives ay mga kinatawan ng mga marginalized at underrepresented na sektor—isang paraan upang masiguradong may boses ang mga interes at pangangailangan nila. Kabilang sa mga sektor na ito ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, katutubo, athigit pa. Sa halip na bumoto para sa mga indibidwal na pulitiko, ang mga tao ay bumoto para sa isang partido na kumakatawan sa sektor kung saan sila nabibilang, o na nais pa nilang mas mabigyan ng atensyon at aksyon.
Sa pamamagitan ng SMBA, nilalayon naming suportahan ang paggawa ng desisyon ng mga kabataang botante habang kiritikal nilang isinasapuso ang kapangyarihan ng kanilang balota at sinasala ang iba’t ibang election narratives. Umaasa kami na ang mga youth voters ay magiging aktibong kaakibat sa pagpapalalim ng mga pag-uusap tungkol sa halalan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan sa mga isyung panlipunan, pampulitika, at pang-ekonomiya; at pagtataguyod ng mga karapatang pantao bilang pamantayan sa pagpili ng ating mga inihalal na opisyal.
INVITE US!

Organize a Human Rights Voters Education in your school, barangay, or even with your friends.
DOWNLOAD NOW!

Download the Election Planner and get creative in thinking about who you’re voting for.
LET US HELP YOU!

Deliver a letter to your district representative candidates, let them know about your concerns.
READ NOW!

Read our Human Rights Legislative Agenda and hold your senatoriables to the human rights standard.