Noel Jestoni Ebuenga

“Leo Acebedo“

Pilipinong manunulat na lumilikha ng mga tulang sumasalamin sa realidad ng lipunan sa pamamagitan ng simbolismo at matitingkad na imahen. Madalas niyang talakayin ang katahimikan, alaala, at bigat ng karanasang pantao.

Ang tulang ito ay hango sa panahong ang takot ay namumuhay sa katahimikan at ang mga pangalan ay may kaakibat na panganib. Sa pamamagitan ng imahen ng lumulubog na baryo, inilalarawan nito ang unti-unting pagkawala ng mga tao, tinig, at alaala sa harap ng isang di-nakikitang dilim. Iniaalay ito sa patuloy na pag-alala kina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo de Guzman.