Mikael de Lara Co

Si Mikael de Lara Co ay isang makata, tagasalin, at strategic communications professional. Itinalaga siya sa Hall of Fame ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature matapos magwagi ng limang Unang Gantimpala para sa tula (2007 at 2013 sa Ingles; 2008, 2023, at 2024 sa Filipino). Nagwagi rin siya ng mga Grand Prize sa Maningning Miclat Awards for Poetry (2009 at 2011), at apat na beses hinirang bilang finalist sa National Book Awards.

Nakatakdang ilathala ng Ateneo de Manila University Press ang kanyang susunod na aklat— at unang kalipunan ng mga tula sa Filipino— na pinamagatang Epistolaryo ng Bagamundo at ang Tugon ng Multo. Tubong Sta. Cruz, Maynila, nakatira siya ngayon sa Cagayan de Oro kasama ang maybahay at tatlong anak.