Solidarity Statement
6 August 2026
Sa panahong pilit pinadidilim ng pang-aabuso at panunupil ang ating lipunan, higit na nagniningas ang ating liwanag kapag nagmumula ito sa ating sama-samangpagkilos.
Sa loob ng apat na dekada, naging isa sa mahalagang haligi ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa pagsulong ng karapatang pantao sa Pilipinas. Mula nang itinatag ang organisasyon pagkatapos ng diktaduryang Marcos, binuklod ng PAHRA ang maraming indibidwal at mga organisasyon upang alalahanin ang mga aral ng kasaysayan at magkaisang manindigan para labanan ang lahat at anumang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
Ikinararangal ng Amnesty International Philippines na maging katuwang ang PAHRA sa iba’t-ibang kampanya at adbokasiya sa nakalipas na mga dekada. Kabilang na ritoang pagkundena sa torture, enforced disappearances, at extrajudicial executions, pati na rin ang pagsulong ng mga panukalang batas para sa proteksyon ng Human Rights Defenders (HRDs) at para labanan ang diskriminasyon na dinaranas ng iba’t-ibang sektor ng liunang Filipino. Sa kasalukuyan, kaagapay din ang Amnesty International ng PAHRA sa paggiit ng katarungan at pananagutan sa International Criminal Court (ICC) para sa mga biktima ng madugong “war on drugs”. At mula noon hanggang ngayon,kasama ng PAHRA ang malawak na hanay ng sambayanang Filipino sa pagmartsa sa mga lansangan at pakikibaka sa iba pang mga espasyo upang ipaglaban ang karapatang pantao.
Ang apat na dekadang tagumpay ng PAHRA ay hindi lamang pagkilala sa naging kontribusyon ng organisasyon. Ito ay nagsisilbing inspirasyon at panawagan din ng higitpang pag-asa mula sa mga komunidad, tungo sa isang kolektibong paninindigan hanggang ganap na manaig ang katotohanan, katarungan at pananagutan.
Ngayong patuloy na umiigting ang kultura ng kawalang pananagutan at panunupil sa mga HRDs, aktibista, mamamahayag at iba pang mga sektor tulad ng mga manggagawa, katutubo, kababaihan, LGBTI, at kabataan, higit kailanman kailangang panatilihin ang pagbibigay ng liwanag na pinalalakas ng ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos. Ang apat na dekadang tagumpay ng PAHRA ay hindi lamang pagkilala sa naging kontribusyon ng organisasyon. Ito ay nagsisilbing inspirasyon at panawagan din ng higit pang pag-asa mula sa mga komunidad, tungo sa isang kolektibong paninindigan hanggang ganap na manaig ang katotohanan, katarungan, at pananagutan.


