Mas makataong tugon sa COVID-19

Mahigit isang buwan na nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, gayundin ang katulad na hakbang sa iba pang bahagi ng bansa at maging sa buong mundo, para pigilan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

Bagamat hindi raw nangigilala ang virus, nag-iiba naman ang epekto nito sa atin. Milyun-milyong Pilipinong walang kabuhayan sa ngayon ang naghihintay pa rin ng tulong, halimbawa. Marami ang lumalabas pa rin para humanap ng makakain, magtrabaho o mag-abot ng tulong sa iba, pero hinuhuli sila at kinakasuhan, sinasaktan, ikinukulong, at pinagbabantaan.

Pero nariyan din ang mga kwento ng bayanihan. Maraming grupo at indibidwal ang nagpasimuno ng mga relief operation o donation drive. Ang mga salat mismo sa buhay, tumutulong sa kapwa nila nangangailangan sa abot ng kanilang makakaya. Ang ating frontliners gaya ng medical professionals, patuloy lang sa pagseserbisyo sa kabila ng banta sa kanilang kalusugan at buhay.

Pero marami pang maaari at dapat gawin. Sa panahong itong sila ang ating pangunahing sandigan, panawagan natin sa ating mga pinuno sa gobyerno ang mas makataong pagtugon sa pandemya.

Para sa mas makatang tugon sa pandemya, narito ang ilan sa mga rekomendasyon ng Amnesty International Philippines para sa IATF Chairperson, Health Secretary Francisco T. Duque, III:

1. Paalalahanan ang mga pulis, militar at maging mga opisyal ng barangay na huwag daanin sa dahas, pananakit at pananakot ang pagpapatupad ng mga patakarang gaya ng quarantine at curfew;
2. Tiyaking may sapat na kagamitan at kaalaman ang mga pulis at iba pang naatasang panatilihin ang kaayusan sa gitna ng pandemya, lalo’t sila rin mismo ay nahaharap sa iba’t ibang stress at peligro sa kalusugan sa paggampan ng kanilang tungkulin;
3. Paigtingin pa ang pagtugon sa pangangailangan ng ating frontliners, gaya ng personal protective equipment o PPE at iba pang kagamitan para tiyakin ang kanilang kaligtasan;
4. Isaalang-alang ang partikular na kalagayan ng mga grupo ng mamayan – gaya ng mahihirap, mga nawalan ng mapagkukunan ng kabuhayan, mga bata at kababaihan – sa anumang programa ng gobyerno bilang tugon sa COVID-19; at
5. Magpakalat ng tama at sapat na impormasyong siya ring pagmumulan ng pakikiisa ng mamamayan sa mga layunin ng gobyerno, habang iginagalang din ang kalayaang magpahayag ng bawat Pilipino.

Manawagan sa Chairperson ng IATF

Health Secretary Francisco T. Duque III

sa pamamagitan ng paglagda sa petisyon:

*Required fields/Kailangang punan

Country/Bansa


Your personal information will be managed by Amnesty as stated in the AIPh Privacy Policy Notice. If you do not consent, please leave them blank.