SAGOT MO BA ANG OPEN LETTER?

Para sa nalalapit na pambansang halalan ngayong taon, muling tinatanong ng Amnesty International Philippines ang bawat kandidato, “Sagot Mo Ba Ako?” Bilang pasimula, nagpadala ang Amnesty International Philippines ng isang open letter sa mga kumakandidato. Nilalaman ng sulat ng ito ang isang paalala, panghihikayat, at hamon sa mga kandidato na isama ang karapatang pantao sa kani-kanilang mga plataporma at action plan.  

Sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at sa senado, hinihingi ng Amnesty International Philippines ang kanilang Human Rights Action Plan — hindi lamang ang katayuan sa mga isyu, kundi mga konkretong plano, programa at aksyon na nakikita nilang sagot sa mga problema sa karapatang pantaong hinaharap ng mamayang Pilipino. Nagtanong din tayo at humingi ng malinaw na tugon patungkol sa mga sumusunod na usapin: 

Para sa mga kandidato sa pagka-senador, hiningi naman natin ang kanilang mga legislative agenda at human rights priorities—ang mga polisiyang nais nilang dalhin, ipaglaban, at gawing batas kung sila ay palaring mailuklok sa Senado.  

Sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at sa senado, hingin natin ang kanilang Human Rights Action Plan.

Ang pagkakaron ng tapat at maayos ng pagkakaintindi sa karapatang pantao, at sariling initiative na bumuo ng kanilang planong sumasagot sa iba’t ibang human rights issues ay paunang tanda lamang ng isang kandidatong tunay na kinikilala ang responsibilidad nila sa mga posisyong kanilang tinatakbuhan.  

Matapos ang tatlong buwang paghihintay ng sagot mula sa mga kandidato, walang natanggap ang Amnesty International na plataporma nila para sa karapatang pantao, maliban sa isang kandidato sa pagka-pangulo, isa sa pagka-bise presidente at isang tumatakbo sa senado. Kaya’t mula sa mga nakalathalang plataporma sa kanilang mga websites, panayam at talumpati, nilipon ng Amnesty International Philippines ang mga tinitindigan nilang isyu tungkol sa karapatang pantao:

SA MGA SUSUNOD NA PANAHON MATAPOS ANG ARAW NG ELEKSYON, PATULOY NA BABANTAYAN NG AMNESTY INTERNATIONAL PHILIPPINES ANG MGA BINIBITAWANG SALITA NG MGA BAGONG MAILULUKLOK SA PWESTO, IPAPAALAM ITO SA NAKARARAMI, AT PATULOY NA MANANAWAGAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TUNAY NA TANGAN ANG KAPAKANAN NG BAWAT PILIPINO SAANMAN SA MUNDO.